b1

ANG ALINGAWNGAW

BALITA

       Mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan sa Dipolog City ay naglalaban-laban para sa patimpalak na Online Publishing at Collaborative Desktop Publishing na inilunsad sa Miputak East Central School sa ika- siyam ng Marso 2024.

       Sa paglunsad ng Division Schools Press Conference (DSPC) 2024, ang Online Publishing at Collaborative Desktop Writing ay dalawa lamang sa marami pang patimpalak na inilahad ng Regional Memorandum para sa taong ito. 

       Iilang mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan ay nakumpuni upang maisagawa ang naturang pandistritong patimpalak. Mga paaralan tulad ng Zamboanga del Norte National High School-Turno, Philippine Science High School, DMC College Foundation, Galas National High School at Dipolog Pilot Demonstration School ay ilan lamang sa mga paaralang dumalo sa naturang patimpalak.

 

       Sinimulan ang kaganapan sa pagkakaroon ng isang oryentasyon para sa dalawang patimpalak na pinangunahan ni Ginoong Al L. Cantery, isang Master Teacher I mula sa Pamansalan Elementary School. Sa naturang oryentasyon ay inilihad ng guro ang mga kinakailangan gawin ng mga kalahok upang mangyaring masungkit nila ang inaasam na kampyonato.

       Ang patimpalak na Online Publishing ay binubuo ng limang mag-aaral mula sa bawat paaralan na siyang bubuo ng isang digital na pamahayagan gamit ang website na WordPress sa loob lamang ng tatlong oras. Apat na paaralan mula sa sekondarya ang siyang naglalaban-laban sa naturang patimpalak. 

       Habang sa Collaborative Desktop Publishing naman ay inaasahan na ang pitong mag-aaral ay makakagawa ng pamahayagan gamit ang  InDesign sa loob lamang ng limang oras.

       Ang naturang patimpalak ay binubuo ng apat na paaralan din na siyang maglalaban-laban para sa sekondarya at may isang paaralan naman na lumahok para sa elementarya.

MAG BIGAY NG TUGON SA AMIN!

© Ang Alingawngaw. All rights reserved.