ANG ALINGAWNGAW
Ang Regional Schools Press Conference (RSPC) 2024 ay magsisimula sa Abril 4-6, 2024 sa Zamboanga del Norte National High School – Main, kung saan ang mga nanalo sa DSPC 2024 na ikinasa sa ika-8 hanggang 9 ng Marso ang mga kalahok. Ang indibidwal at grupong kategorya ay magkakaroon ng kanilang patimpalak sa ZNNHS-Main, at ang pangwakas na programa ay magaganap sa Olingan Sports Complex.
Ipinaliwanag ni Gng. Cherry Mae B. Eltanal, isa sa mga organizer, na nagplano na sila kasama ang Regional Team para sa RSPC, sa pamumuno ng CLMD Chief, Dr. Eugenio B. Penales. Sila ay nakapili na ng walong silid upang matugunan ang mga kalahok ng RSPC, lalo na ang mga mula sa malalayong distrito. Bukod pa rito, nagpasya ang Regional Team na magaganap ang RSPC 2024 sa ZNNHS-Main sapagkat maraming silid-aralan ang mga gusali sa naturang paaralan.
Alinsunod sa kanilang paunang plano, sinabi niya na ang lahat ng mga indibidwal na kategorya ay magkakaroon ng kanilang paligsahan sa iisang gusali kasabay ng mga kalahok para sa mga grupong patimpalak. Bahagi ng desisyon ay ang pagkakaroon ng matibay na koneksyon sa internet para sa lugar na pagdarausan, kung kaya’t isinasaalang-alang ang naturang paaralan para sa mga mamamahayag. Higit sa lahat, ang lokasyon ng paaralan ay nasa puso ng Dipolog City kung kaya’t mas madaling madali ang pag-access sa naturang lokasyon.
Ang pagtatapos na programa ng patimpalak ay mangyayari sa Olingan Sports Complex sapagkat iminungkahi ni Hon. Mayor Darel Dexter T. Uy na ito ay isang angkop na lugar kung saan ang koneksyon sa internet ang nasa isip dahil ito ay mangyayaring i-live stream nila.
“Talagang umaasa kami na lahat ng kalahok ng RSPC ay makiisa sa mga plano ng Regional Team at ng Dipolog City TWG, at ang mga kalahok ay handang-handa para sa patimpalak. Dahil ang Dipolog City Division ang host, sana ay naghanda tayo marami dahil malamang malaki ang inaasahan ng mga tao sa atin. Sana, manalo tayo,” dagdag ni Gng. Eltanal.
MAG BIGAY NG TUGON SA AMIN!