ANG ALINGAWNGAW
Ni Huseng O. Gong
Hinarangan ni John Khalel Nacionales ng Falcon ang maliliksing pasa ng bola ng Bulldog matapos umukit ng 58-41 panalo sa isinagawang Falcon at Bulldog Basketball Friendship Game sa Miputak Covered Court ngayong araw, Marso 9, 2024.
Walang pasubaling ninakaw ni Nacionales sa kamay ng kabilang panig ang bola at ibinuslo sa ring upang makuha ang sunod-sunod na tres dahilan upang tuluyang maipatabob ang Bulldog at maiuwi ang korona.
“Tiwala sa sarili at determinasyon ang kailangan upang maipanalo ang laro at ‘yun ang ginamit ko upang mahablot ang kampeonato kasama ng aking team” ani niya pagkatapos ng laro.
Sa umpisa palang ng laban, mapapansin na ang mabilisang rebound at maliliksing pasa ng bola ni Kurt Latoreno ng natalong panig dahilan upang masungkit ang 11-8 na iskor at manguna laban sa Falcon sa unang kwarter ng laro.
Naging mailap ang tadhana para sa Bulldog nang nagsimulang bumangon ang nanalong team sa pangunguna ni Nacionales at pinalakas ang depensa kasabay ang mabilis na travel upang maibuslo ang bola at manguna sa ikalawang kwarter.
Hindi na pinahabol ng Falcon ang kalaban mula sa pagkakaiwan nang rumatsada lalo sa ikatlong kwarter at tuluyang tinambakan ang Bulldog sa kabila ng pagkayod ni Latoreno sa kaniyang malakidlat na rebound.
Bagaman naging malapit ang laban sa iskor na 42-36 sa ikatlong set ay hindi pa rin ito sapat upang maipataob ang Falcon at nagsimula na nga ang tres na tira ni Nacionales na naging dahilan upang manghina ang kalaban.
Sa huling limang segundo ay pinilit ni Christian Villaflor ng natalong panig na maibuslo ang bola subalit bigo ito dahilan upang tuluyan silang maipatumba ng Falcon sa iskor na 58-41.
“Malungkot ako kasi kinapos kami sa huli dahil na break yung strategy namin” pag-amin ni Ree Mikhael Flora, coach ng natalong team pagkatapos ng laro.