b3

ANG ALINGAWNGAW

BALITA

100 Porsyento ng mga mag-aaral nagsasabing may masamang dulot ang Social Media

Patuloy na paglobo ng masamang epekto ng SocMed, mga mag-aaral agrabyado

Balita ni Gabriela K. Ampana

       100 porsyento mula sa dalawampung mag-aaral na isinarbey ang nagsabing may masamang dulot ang social media sa kanilang konsentrasyon at pagiging produktibo.

 

       Ang social media o kilala rin sa tawag na SocMed ay isa sa mga pinaka tampok na gamit teknolohikal na palaging ginagamit ng mga tao sa buong mundo. Mapabata, matanda, magulang at lalong lalo na ang mga kabataan ay hantad sa paggamit ng social media.

 

       Ayon sa isang isinagawang sarbey sa ika-siyam ng Marso 2024 tungkol sa oras  na ginugugol ng mga piling mag-aaral sa paggamit ng social media, lumabas na 29% ang nagsabing isa hanggang tatlong oras ang kanilang ginugugol sa paggamit ng social media habang 52% naman sa apat hanggang anim at 19% naman ang nagsabing anim na oras pataas ang kanilang paggamit sa naturang digital na teknolohiya.

 

       Isinaad din sa naturang sarbey na 100 porsyento umano mula sa dalawampung kabataang isinarbey ang nagsabing ang paggamit ng social media ay nakakadulot ng pagkawala ng kanilang konsentrasyon at pagiging produktibo.


       Ayon pa kay Julliana Clea Jamora isa sa mga mag-aaral na naipanayam “Sa aking pag-aaral ay kinakailangan talaga ang paggamit ng wifi at sa tuwing gumagamit ako ay nalilihis ang aking atensyon at natutukso akong gumamit ng Tiktok. Kaya kahit mayroon akong inilaan na oras sa paggawa ng aking mga gawain ay mas napupunta ang aking atensyon sa paggamit ng Tiktok kaysa sa pag-aaral.”

 

       Sa paglunsad ng Division Schools Press Conference (DSPC) 2024, ang Online Publishing at Collaborative Desktop Writing ay dalawa lamang sa marami pang patimpalak na inilahad ng Regional Memorandum para sa taong ito. 

 

       Iilang mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan ay nakumpuni upang maisagawa ang naturang pandistritong patimpalak. Mga paaralan tulad ng Zamboanga del Norte National High School-Turno, Philippine Science High School, DMC College Foundation, Galas National High School at Dipolog Pilot Demonstration School ay ilan lamang sa mga paaralang dumalo sa naturang patimpalak.

 

       Sinimulan ang kaganapan sa pagkakaroon ng isang oryentasyon para sa dalawang patimpalak na pinangunahan ni Ginoong Al L. Cantery, isang Master Teacher I mula sa Pamansalan Elementary School. Sa naturang oryentasyon ay inilihad ng guro ang mga kinakailangan gawin ng mga kalahok upang mangyaring masungkit nila ang inaasam na kampyonato.

 

       Ang patimpalak na Online Publishing ay binubuo ng limang mag-aaral mula sa bawat paaralan na siyang bubuo ng isang digital na pamahayagan gamit ang website na WordPress sa loob lamang ng tatlong oras. Apat na paaralan mula sa sekondarya ang siyang naglalaban-laban sa naturang patimpalak. 

 

       Habang sa Collaborative Desktop Publishing naman ay inaasahan na ang pitong mag-aaral ay makakagawa ng pamahayagan gamit ang  InDesign sa loob lamang ng limang oras.

 

       Ang naturang patimpalak ay binubuo ng apat na paaralan din na siyang maglalaban-laban para sa sekondarya at may isang paaralan naman na lumahok para sa elementarya.

MAG BIGAY NG TUGON SA AMIN!

© Ang Alingawngaw. All rights reserved.